ano ang salitang ugat ng palaisipan


Sagot :

Ang salitang ugat ng palaisipan ay isip ibig sabihin ay mag-isip. Ito ang mga tanong na kadalasang nakalilito sa mga tagapakinig. Sa una akala mo’y walang sagot o puno ng kalokohan ngunit kung susuriin, ang palaisipan ay nagpapatalas ng isip at kadalasang nagbibigay ng kasanayang lohikal sa mga nagtatangkang sumagot.


Halimbawa, May isang prinsesang sa tore ay nakatira, balita sa kaharian, pambihirang ganda. Bawal tumingala upang siya’y makita. Ano ang gagawin ng binatang sumisinta?


Ang sagot ay iinom ng tubig upang kunwa’y mapatingala at makita ang prinsesa.