Batay sa anekdota, si Saadi ay isang Mohametanong monghe na may malalim na karunungan at may malakas na loob. Matapang niyang sinagot ang vizier ukol sa kanyang di-pagyuko sa sultan. Iginiit niyang ang mamamayan ay hindi nilkha upang paglingkuran ang hari, sa halip, ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng mamamayan bilang kanyang nasasakupan.