ano ang kahulugan ng komunismo?

Sagot :

Komunismo

 •Isang ideolohiya na sumusuporta sa pagtatag ng organisasyon pangsosyal na walang estado at kaanta-antas batay sa pantay na laki sa gamit ng produksyon.

 •Isang lipunan na pantay-pantay ang lahat ng tao ,walang mayaman o mahirap , makapangyarihan o taga-sunod.

Kailan nagsimula ang Komunismo

  • Ito ay unang kumalat noong maging komunsita ang Rusya at Unyong Sobyet noong 1917.

Sino ang nagtatag ng Komunismo

  • Sila Karl Marx na isang pilosopo, ekonomista at sosyologo at Friedrich Engles na isang Aleman na pilosopo, mananalaysay,komunista , siyentipiko ng lipunan.
  • Sa libro ni Karl Marx na Manipestong Komunista nabuo ang kaisipan o ideya ng komunismo na tinapos noong taong 1848.

Bakit itinatag ang komunismo

  • Kaya itinatag nila Marx at Engles ang komunismo ay dahil bilang reaksyon nila sa pang-aabuso at maling pamamalakad ng mga kapitalismo.
  • Ito ay naging isang laban sa pagitan ng mga Bourgeoise nasa middle class at Proletariat mga working class.

Mga Uri ng Komunismo

  1. Leninismo
  • Ito ay galing kay Vladimir Lenin , isinulong niya ang paraan ng komunismo sa pamamagitan ng industriyalisasyon at kolektibisasyon.

   2. Stalinismo

  • Mula ito kay Joseph Stalin , ang paraan niya upang isulong ang komunismo  ay kung saan may malaking papel ang isang pamahalaang diktaturyal sa pag-abot nito.

  3.   Maoismo

  • Si Mao Zedong ang gumawa nito kung saan nakabatay sa mga magsasaka at hindi sa mga manggagawa.

Mga katangian

  1. Ang totoong komunismo
  • Kung saan wala nang pamahalaan, hindi na kailangan ng mga bansa, ngunit bago maabot ito kinakailangan ng pamahalaan ng mga manggagawa.

    2. Lahat ng kagamitan sa paggawa, ay pag may-aari na ng lipunan at hindi sa mga indibiduwal.

    3. Kapag ito ay nakamit magkakaroon na  ng  pantay pantay na distribusyon at kita at kayamanan.

Mga Bansang naging Komunista

  1. Unyong Sobyet ( Rusya, Ukraine,Belarus,Lithuania, Moldovia,Kazakhstan, Uzbekistan,)
  2. Tsina
  3. Hilagang Korea
  4. Romania
  5. Vietnam
  6. Cuba
  7. Silangang Almenya
  8. Bulgaria
  9. Yugoslavia
  10. Czech Republic

Mga  iba pang impormasyon tungkol sa Komunismo

brainly.ph/question/298340

brainly.ph/question/108167