Ano ang kahulugan ng komentaryong panradyo?

Sagot :

Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena Botkin – Levy, Koordineytor, ZUMIX Radio; ay ang pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napilingtalakayan at pagtuunan ng pansin.  

Ang pagbibigay opinyon ayon kay Levy ay makatutulong nang malaki upang ang kabataan ay higit na maging epektibong tagapagsalita. Ayon pa rin sa kaniya, ang unang hakbang upang makagawa ng isang mahusay at epektibong komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kahulugan ng komentaryong panradyo, maaaring magpunta sa link na ito: Kahulugan ng komentaryong panradyo: https://brainly.ph/question/90237

Halimbawa  ng Komentaryong Panradyo:

Komentaryong Panradyo kaugnay ng freedom of information (FOI).

Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong pinagkakatiwalaang mamamahayag sina Roel Magpantay at Macky Francia at ito ang Kaboses Mo.

Roel: Magandang umaga sa inyong lahat!

Macky: Magandang umaga partner!

Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of Information Bill na hindi maipasa-pasa sa Senado.

Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay Freedom Of Income eh malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa iyan kahit pa nakapikit !

Roel: Sinabi mo pa, partner!

Macky: Ano ba talaga yang FOI na yan partner?

Roel: Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh bibigyan ng kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.

Macky: Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang mgatsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman yan! Demanda dito, demanda doon!

Roel: Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi ba’t dapat naman talaga na walang itinatago ‘yang mga politikong ‘yan dahil sila ay ibinoto at nagsisilbi sa bayan.

Macky: Sa isang banda kasi partner maaring maging “threat” daw yan sa mahahalagang desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.

Roel: Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil magiging mas maingat sila sa pagdedesisyon at matatakot ang mga corrupt na opisyal. Macky: Eh pano yan partner? Ayon kay Quezon Representative Lorenzo Tañada III, ‘pag hindi pa naipasa ang FOI bago mag-Pasko eh mukhang tuluyan na itong maibabasura.

Roel: Naku! Naloko na!  

Para sa karagdagang halimbawa ng komentaryong  panradyo, maaaring i-click ang link na ito: Halimbawa ng komentaryong panradyo script: https://brainly.ph/question/1105352

Narito ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng isang dokumentaryong panradyo.

  • Magsaliksik ng mga impormasyon.
  • Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na binanggit sa  mga detalye upang ipakita ang kredibilidad ng iyong isinulat .
  • Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya sa paksa  .

Para sa karagdagang ideya tungkol sa pagsulat ng isang dokumentaryong panradyo, maaaring i-click ang link na ito: Hakbang sa paggawa dokumentaryong panradyo: https://brainly.ph/question/2029515

Ano ang radio?

Ang radyo bilang isa sa mga midyum ng komunikasyon na naglalayong magbahagi ng mga kaganapan ng mundo sa mas malawak na sakop nito. Mauunawan ang gampanin ng radyo bilang gabay sa kamalayang panlipunan.

Kahalagahan ng Radyo:

1. Naghahatid ng musika.

2. Naghahatid ng napapanahong balita.

3. Naghahatid ng mga talakayan/pulso ng bayan.

4. Nagbibigay ng opinion kaugnay ng isang paksa.

5. Naghahatid ng panawagan.

Mga Piling Istasyon sa Radyo (AM)       Mga Piling Istasyon sa Radyo (PM)

DZBB Super Radio         97.1 Barangay LS

DZMM Radyo Patrol         NU 107

DZRH Nationwide                 101.9 For Life

DZXL RMN 558          90.7 Love Radio

Veritas 846                  101.1 Yes FM

Bombo Radyo Philippines        96.3 WRock

DZRB Radyo ng Bayan         Home Radio 97.9

DWIZ Todong Lakas         Magic 89.9

DWAD Radyo Ngayon         Mellow 94.7

MMDA Traffic Radyo         91.5 Energy FM

DZPS Ganti ng Api

Broadcast Media

- Ito ay paghahatid ng impormasyon audio o biswal man, sa pamamagitan ng midyang pangmasa tulad ng radio, telebisyon, internet o iba pang bagay sa tulong ng network.

Tatlong uri ng Broadcast Media:

1.    Komentaryong Panradyo

2.   Dokumentaryong Pantelebisyon

3.   Dokumentaryong Pampelikula

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa link na ito: Tungkulin o responsibilidad ng isang mananaliksik: https://brainly.ph/question/2156374