Sagot :
Kasalungat ng Masalimuot
Ang salitang masalimuot ay binubuo ng unlaping ma- at salitang ugat na salimuot. Ito ay tumutukoy sa mga bagay na magulo o komplikado. Ito ang mga bagay na maraming bahagi kaya hindi madaling maunawaan. Ang kasalungat ng masalimuot ay maayos, simple o payak. Ito naman ay mga bagay na nasa ayos at madaling unawain.
Mga Halimbawang Pangungusap
Gamiton natin ang salitang masalimuot sa pangungusap upang mas maunawaan ito. Narito ang mga halimbawa:
- Masalimuot ang mapa na iyan, baka maligaw tayo.
- Tiyak na papasa ako sa ating pagsusulit dahil simple lamang ito. Hindi masalimuot ang mga tanong.
- Hindi hadlang ang masalimuot na buhay upang makamit ang pangarap.
Mga Salitang Magkasalungat
Ang mga salitang magkasalungat ay tumutukoy sa mga salita na ang ibig sabihin ay magkabaliktad. Magkaiba ang nais ihayag ng mga salita. Narito ang ilang halimbawa ng mga magkasalungat:
- matangkad - pandak
- mabango - mabaho
- matangos - pango
- tuwid - kulot
- mataas - mababa
- mataba - payat
- maputi - maitim
- masaya - malungkot
- araw - gabi
- mabilis - mabagal
- pumasok - lumabas
- tama - mali
- bumangon - humiga
- malakas - mahina
- umiiyak - tumatawa
- basa - tuyo
- matigas - malambot
- malapit - malayo
- sarado - bukas
Halimbawa ng Salitang Magkasingkahulugan:
https://brainly.ph/question/134771
#LearnWithBrainly