Ano ang kahulugan ng Hangarin

Sagot :

Ano ang Kahulugan ng Hangarin?

Ang hangarin ay nauugnay sa ating mga layunin at kagustuhan. Ito ay tungkol sa pagpupursige na kinakailangan upang matupad ang iyong mga hangarin ito man ay personal, panlipunan, o propesyon. Ang isang mapaghangad na tao ay siyang sumusubok na mapagtagumpayan ang mga hamon at magisip ng mga diskarte upang umunlad. Ang paghangad ng isang bagay ay nangangahulugan ng pagnanais sa pagbabagong-anyo at pagsasakatuparan ng mga proyekto. Ang mga plano at estratehiya ay nililikha upang maging gabay sa tiyak na tagumpay. Ang mga halimbawa ng mga hangarin ay ang pagtatapos ng kolehiyo, pagkakaroon ng magandang karera, at pagsisimula ng isang negosyo. brainly.ph/question/300162  

Sa kabila nito, mayroong mga karaniwang gawain na dapat isaalang-alang ng isang taong may hangarin, tulad ng:

Huwag sumuko

Ang isang taong may mga hangarin ay hindi kailangang agad na sumusuko. Sa halip, kailangan nilang magbigay ng oras upang magisip ng mga solusyon.

May Dedikasyon

Ang dedikasyon ay ang kakayahang tumanggap ng mga hamon at magsikap na makamit ang kanilang mga layunin.

Positibong Pag-iisip

Kapag ang isang tao ay puno ng hangarin, ang kanilang mga saloobin ay mas positibo. Habang ang lahat ay nakatingin sa problema, ang tao na may hangarin ay naghahanap ng solusyon.

Pagbabago sa ugali

Ang pagbabago ng iyong ugali ay kailangan upang umunlad. Kung wala nito, lagi tayong nananatili sa iisang lugar na nakagapos sa sarili.

May lakas ng loob na subukan at gumawa ng mga pagkakamali

Ang isang taong may hangarin ay hindi natatakot na sumubok at gumawa ng mga pagkakamali dahil alam nila na ang daan sa tagumpay ay maaaring mahirap ngunit sulit naman kung makakamit ang tagumpay.

Mga paksa na may keyword na Hangarin :

Mabuting Hangarin: brainly.ph/question/214675

Hangarin o misyon ng negosyo: brainly.ph/question/388519