Ekonomiya ng pilipinas: saan papunta

Sagot :

Ekonomiya ng Pilipinas: Saan Papunta?

         Sa kasalukuyan, batay sa mga datus na iprenisenta, sumadsad ang paglago ng ekonomiya sa bansa sa %.2% sa unang tatlong buwan ng taon. Hindi ito umabot sa target  ng mga namumuno sa iba’t-ibang departamento  na 7-8 porsyento na paglago. Ito ay dahil sa mababang ani, produksion ng mga pananim tulad ng palay at iba pang may mataas na halaga na mga produktong maaaring pang-eksport.  Ang produksyon ay isa lamang sa mga pinagbabasehan sa paglago ng ekonomiya. Paano na kaya kung palagi nalang ganito ang kalagayan ng ekonomiya? Kung ganito ang palaging resulta ng mababang produksyon at sa iba pang aspeto na pinagbabatayn sa paglago ng ekonomiya, may malaking posibilidad na ang ekonomiya ng bansa ay babagsak.