Mga halimbawa ng literal at metaporikal na salita

Sagot :

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga salitang may literal at metaporikal na kahulugan.

1. bola
literal: bagay na ginagamit sa paglalaro.
           Mainam gamitin ang mamahaling bola sa paglalaro ng basketbol.
metaporikal: pagbibiro
           Lito: Ang ganda mo naman ngayon Ningning!
           Ningning: Puro ka naman bola Lito eh!!

2. Pawis
literal: tubig na lumalabas sa inyong balat sa buong katawan lalo na kung may ginagawa at nakababad sa init ng araw.
           Amoy pawis ka na, pumanhik ka na at magbihia.
metaporikal: pinaghirapan
           Pawis at dugo ang itinaya ko upang makatapos sa pag-aaral.