Ang pag-iimpok ay ang pag-iipon ng salapi na siyang maggagamit sa pangangailangan sa hinaharap. Ang pamumuhunan naman ay panahon o oras, lakas o enerhiya, at iba pang bagay na inilalaan sa paghahangad na ito’y magbunga ng mga benepisyo sa loob ng isang nakatakdang oras sa hinaharap.