Ano ang papel na ginagampanan ng financial intermediaries?

Sagot :

Papel na ginagampanan ng financial intermediaries

  • Ang financial intermediaries ay ang mga institusyon na nagpapautang ng pera sa mga nangangailangan nito. Sila ang nagkokonekta ng tao at ang nagpapautang.

Papel na ginagampanan ng financial intermediaries:

1. Nagpapautang ng pera sa mga negosyante at nangangailangan nito.

2. Tumutulong upang makapag-ipon ng pera sa pamamagitan ng pagbigay ng kaalamang pinansiyal.

Halimbawa ng financial intermediaries ay ang sumusunod:

1. Mga bankong pang komersyal

2. Kumpanya na nag aalok ng insurance

3. Pension funds

4. Mga taga payo pag dating sa kaperahan ( Financial Advisors)

5. Credit unions

6. Mutual funds

Halimbawa 1

Gusto mong mag simula ng negosyo at ito ay ang pagtitinda ng mga tela ngunit ang iyong problema ay wala kang puhunan. Dahil dito maari kang pumunta sa mga financial intermediaries na nagpapahiram ng puhunan.

Halimbawa 2:

Gusto mong magkaroon ng sasakyan dahil malayo ka sa iyong trabaho ngunit wala kang pang cash dito. Maari kang lumapit sa mga financial intermediaries na puwedeng tumulong sa iyo.

papel na ginagampanan ng financial intermediaries

brainly.ph/question/488962

brainly.ph/question/491870

brainly.ph/question/1193477