Sino si Emilio Jacinto? Ano ang ginawa niya para sa ating bansa?

Sagot :

Si Emilio Jacinto ay isang rebolusyonaryong Pilipino noong panahon ng Himagsikan na naging isa sa mga magagaling na lider ng Katipunan. Sa edad na 19, siya ay naging isa sa mga pinuno ng katipunan at naging tagapayo, kalihim at piskal ni Andres Bonifacio.
Si Emilio Jacinto,ang kanang kamay ni Bonifacio at kinikilalang Utak ng Katipunan. 18 taong gulang siya ng malaman niya na may isang lihim na kapisanan ang layo'y mag punyagi sa ikabubuti ng bayang naghihirap.nang sumiklab ang himagsikan ay inatasan siya ni Bonifacio na mamuno sa Laguna.Doon siya namatay sa sugat na tinamo sa pakikipaglaban sa mga kastila.