Ano ang masasabi mo sa iyong ugnayan sa Diyos? Ipaliwanag.

Sagot :

Ang aking masasabi sa aking ugnayan sa aking Diyos ay matibay at malalim.

Ang aking ibig sabihin ng ugnayan na matibay, ay hindi nawawala ang aking tiwala sa aking relihiyon at Diyos maging anuman ang pagsubok na dumating sa akin bilang tao. Minsan, sa sobrang bigat ng ating mga pagsubok at problema na nararanasan sa buhay, paminsan tayo ay nagtatanung kung tayo ba talaga ay mahal ng Diyos. Bilang tao, hindi ko ni minsan naisip ito. Malalim rin ang aking ugnayan sa Diyos. Bilang pagtugon sa kanyang mga utos at pananampalataya ko sa kanya, lahat ng kautusan nya ay aking isinasabuhay. Pilit kong sinusunod sa abot  ng aking makakaya. Kahit paminsan, ito ay aking nasusuway, naroon pa rin ang paghingi ng tawad at pagpupumilit kong ayusing ang aking mga nagawang kasalanan sa kanya. Mahal ko ang aking Diyos kahit ni minsan hindi ko siya nakita. Tanging ang aking paniniwala at pananampalataya sa kaniya ang aking pinanghahawakan hanggang sa huli.

Para sa iba pang usapin tungkol sa pananampalataya sa Diyos, basahin ang mga sumusunod:  

  • Bakit mahalaga ang pananampalataya sa Diyos: https://brainly.ph/question/486584
  • 10 pangungusap tungkol sa pananampalataya sa diyos : https://brainly.ph/question/2164574