Ang ibig sabihin ng okir ay pang-uukit ng kahoy.
Ang okir-a-datu naman ay mga disenyong maraming pakurba-kurba na ginagawa ng mga Maranao at Tausug ng Mindanao. Ang mga pinakakilalang okir ay ang mga hugis ng sarimanok (ibon mula sa alamat), naga (ahas mula sa alamat), at pako rabong (fern). Ang mga disenyong ito ay ginagamit bilang dekorasyon sa mga bahay ng mga Sultan.