mga batas trapiko at mga signage

Sagot :

1)Mga Pedestrian
①Ang mga tao ay naglalakad sa gawing kanan ng kalye.
2)Sasakyan/Motorsiklo
①Ang sasakyan/motorsiklo ay sa gawing kaliwa ng kalye. ②Hindi maaaring gumamit ng Cellphone habang nagmamaneho. ③Kailangan na lahat ng pasahero ng sasakyan ay naka-seat belt. Kailangan na naka-helmet kung magmamaneho ng motorsiklo. ④Mahigpit ang batas sa pagbibigay ng parusa sa mahuhuling nakainom ng alak habang nagmamaneho.
3) Bisikleta
①Ang bisikleta ay sa gawing kaliwa ng kalye.
②pinagbabawal at may parusa ang pagsakay ng 2 tao, maging ang pagpapayong habang nagbibisikleta.
③Kailangan na may nakasinding ilaw kapag magbibisikleta sa gabi. ④Magkabit ng susi sa bisikleta upang maiwasan na ito ay nakawin. ⑤Ang mga bisikleta at motorsiklo na pinabayaan sa kalye o mga pampublikong pasilidad ay kukumpiskahin kapag lumampas sa itinakdang panahon. Depende rin sa lugar, maaaring kumpikahin din ito agad agad.
⑥May mga lugar na hindi maaaring daanan ng bisikleta at motorsiklo.
⑦Mayroong parking na pinamamahalaan ng lungsod na nasa ilalim ng mga elevated roads. Mangyari lang po na gamitin ito kung sasakay sa train o sa bus mula sa sa Fukuchiyama-shi station.
⑧Ang bisikleta ay isa ring sasakyan. Kung lalabag sa batas ng trapiko o lilikha ng isang aksidente s a daan, maaaring maparusahan o managot sa pamamagitan ng pagbabayad ng pinsala.