Ano ang naidudulot ng pag-aalaga ng hayop sa tahanan?

Sagot :

Mga naitutulong ng pag aalaga ng hayop sa tahanan

  • Kung may alaga kang hayop sa iyong tahanan nakakalibang ang mga ito.
  • Ang pag aalaga ng hayop ay nakakawala ng stress kaya sinasabing ang pag aalaga ng hayop ay mabuti sa kalusugan.
  • Ang pag aalaga ng hayop ay nakakadagdag ng kita, sapagkat maari mo itong ibenta. At gawing hanap buhay.
  • Ang Pag aalaga ay nakakatulong na mabigyan tayo ng mga pagkain katulad ng pag aalaga ng manok, pugo at mga itik  binigyan tayo ng mga itlog gayun di binibigyan tayo ng mga karne katulad ng pag aalaga ng baboy, manok baka at iba pa.
  • Binibigyan naman tayo ng pagkakataon na makapag ehersisyo kung mag aalaga tayo ng hayok katulad ng aso dahil maari mo silang laruin at maisama sa pagtakbo o pag jojogging.
  • Sa pag aalaga ng hayop nabibigyan din natin ng pagkakataon ang kabataan sa ating tahanan na maging responsable sa pamamagitan ng pag aalaga ng mga hayop.

Buksan para sa karagdagang kaalaman

Kahalagahan ng pag aalaga ng mga hayop sa kasalukuyan https://brainly.ph/question/166403

Slogan tungkol sa pag aalaga ng mga hayop https://brainly.ph/question/1981753

Wastong pag aalaga ng pugo https://brainly.ph/question/409291