Anung tagalog ng hot seat?


Sagot :

Wala namang eksaktong tagalog sa hot seat, ito ay ang kalagayan o sitwasyon ng isang tao na dumadaan sa matinding pagtatanong, at iterogasyon.

Nararamdaman ng taong nasa hot seat

  • Kinakabahan sapagkat di niya alam kung ano ang mga posibleng tanong na ibabato sa kaniya, di niya alam kung ano ang wasto niyang isasagot natatakot na baka magkamali siya sa isasagot at mailagay siya sa alanganin.
  • Pinagpapawisan dahil sa kabang nararamdaman, kasama narin diyan ang pagkalito o pagkabalisa.

Mga karaniwang nalalagay sa Hot seat

  • Mga suspek sa isang krimen, karaniwang mga alagad ang batas ang naglalagay sa kanya sa mga ganyang sitwasyon, maraming katanungan na sadyang nakakalito at pagnagkamali ka ng sagot ay siguradong bilangguan ang deretso mo.
  • Mga artista o mga nasa showbiz nalalagay sa hot seat ang mga artista kung sila ay bago palang pasisikatin o mayroong pilikula upang mas lalo pang makilala sila ng mga tao at maging interesado sa kanila ang mga manonood.

buksan para sa karagdagang kaalaman

Ano sa tagalog angconfidence https://brainly.ph/question/231784

Anung kahulugan ng maestro?tagalog.https://brainly.ph/question/2147911

Anung ibig sabihin ng wildlife . in tagaloghttps://brainly.ph/question/47327