bakit itinuturing na ina ng mga birtud ang prudentia


Sagot :

Prudentia o Maingat na Paghuhusga:

Ang prudentia o maingat na paghuhusga ay itinuturing na ina ng mga birtud.

Ang prudentia o maingat na paghuhusga ay itinuturing na ina ng mga birtud sapagkat ang pagsasabuhay ng iba pang mga birtud ay sumasailalim sa maingat na paghuhusga. Ang birtud na ito ay kapwa kabilang sa mga moral at intelektuwal na birtud. Bilang intelektuwal at moral na birtud, ang prudentia o maingat na paghuhusga ay nagsisilbing kaalaman na naglalayong mailapat ang anumang karunungang nakalap sa kilos na isasagawa ng tao. Ito ang nagtuturo sa tao kung paano kumilos ng tama o wasto. Ito ang nagbibigay – liwanag at gumagabay sa lahat ng mabubuting asal o pag – uugali na mayroon ang isang tao.

Ang prudentia o maingat na paghuhusga ay pagtitimbang sa mga nakahain na kondisyon ng sitwasyon at pag – aangkop ng mga prinsipyo ng kabutihan sa mga ito. Hindi hinuhusgahan ang pagiging tama o mali ng isang bagay batay sa mga prinsipyo ng mabuti at masama. Ang maingat na paghuhusga ay kilos ng pagpapalitaw sa mabuting nakatago sa sitwasyon at sa mga pinagpipilian. Sa prudentia o maingat na paghuhusga kinakailangan na unawaing mabuti ang konstekto ng mga kaganapan.

Ang prudentia o maingat na paghuhusga ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng paninindigan sa pagpapakatao. Sa kabila ng katotohanan na ang pasiya kung minsan ay tila nakakasakit sa iba, ngunit kung susuriing mabuti ito ang siyang pinakamainam para sa lahat ng taong may kinalaman dito.  

Sang – ayon kay Aristotle, ang prudentia o maingat na paghuhusga ay praktikal na karunungan. Ito ay nangangahulugan na ang mga natutuklasan ng isip ay iniaangkop sa pang araw – araw na gawain. Ang paghuhusga ay hindi lamang umiiral dahil sa mga ideya kundi dahil ito ang hinihingi ng sitwasyon o ng pagkakataon. Upang makagawa ng isang mabuting paghuhusga, kailangang timbangin ang mga sumusunod na kadahilanan:

  • kahandaan ng panahon
  • mga pangangailangan at kakayahan ng mga tao
  • kalagayan ng paligid  
  • aspekto ng pagiging mabunga

Keywords: maingat na paghuhusga, phronesis , praktikal na karunungan

Kahulugan ng Maingat na Paghuhusga: https://brainly.ph/question/1036424

Kahalagahan ng Maingat na Paghuhusga: https://brainly.ph/question/2011927