Sagot :
Limang Haligi ng Islam:
Ang pagsasabuhay ng pananampalataya ng mga Muslim ay nakabatay sa Limang Haligi ng Islam. Ang pagdarasal, pag – aayuno, at pagsamba ay sakop nito maliban sa pagninilay.
Ang limang haligi ng Islam ay binubuo ng mga sumusunod:
- Shahadatain
- Salah
- Sawm
- Zakah
- Hajj
Ang Sahhadatain o ang paghahayag ng tunay na pagsamba ay mahigpit na ipinatutupad ng mga Muslim sapagkat naniniwala sila na walang ibang dapat na pag – ukulan ng pagsamba kundi si Allah at si Mohammed na kanyang sugo.
Ang Salah o pagdarasal ay ang paraan upang malayo sa tukso at pagkakasala. Mayroon silang limang takdang dasal araw – araw upang balansehin ang mga bagay na pangkatawan at pangispiritwal.
Ang Sawm o pag – aayuno ay obligasyon para sa mga Muslim na nasa hustong gulang at may malusog na pangangatawan sa tuwing buwan ng Ramadhan. Ito ay isang paraan ng pagsisisiplina sa sarili upang mapaglabanan ang tukso na maaari nilang maranasan sa buhay.
Ang Zakah o itinakdang taunang kawanggawa ay hindi lamang boluntaryong pagbibigay sa mga nangangailangan kundi ito ay isang obligasyon na itinakda ni Allah. Ang layunin nito ay hindi lamang upang tumulong sa kapwa kundi para na rin linisin ang kita o kabuhayan na kanila ring ibabahagi sa mga kapwa nila Muslim.
Ang Hajj o pagdalaw sa Mecca ay dapat na isagawa ng mga Muslim na may sapat na gulang, malusog na pangangatawan, at may kakayahang gumastos sapagkat ito ang sentro ng Islam sa mundo.
Keywords: Islam, Muslim
Kahulugan ng Islam: https://brainly.ph/question/798747
#LetsStudy