halimbawa ng sanaysay tungkol sa ekonomiya ng pilipinas:saan papunta?


Sagot :

                              Ekonomiya ng Pilipinas: Saan Papunta?
      
       Isa sa mga bansa ng Timog-Silangang Asya na umuunlad ay ang bansang Pilipinas. Ang bansang ito ay may mababang gitnang sahod (lower middle income) na antas o lebel ng sahod. Ang Gross Domestic Product  o GDP  kada tao ay tinatayang nasa $ 3,383 ayon sa Purchasing Power Parity (PPP) sa Pilipinas noong 2013, mas mababa sa ibang bansa sa Timog Silangang Asya at nasa ika-130 sa buong mundo.   Ang GDP kada tao ang siyang pamantayan o sukatan na ginagamit ng karamihang ekonomista para matukoy ang mga bansang naghihirap at mahihirap. Base sa datos na ito, makikiang ang Pilipinas ay mas mahirap sa mga bansang Brunei, Singapore, Malaysia, Indonesia at Thailand.
Ano naba ang kalagayan ng ekonomiya ng bansa ngayong taon? Tinayang nasa 7.9%  ang paglago ng ekonomiya ng  Pilipinas noong 2013 ngunit bumagsak ito sa nakaraang tao (2014) na nasa 6.4% nalang ang paglago ng ekonomiya ng naturang bansa. Sa kasalukuyang taon, sumadsad ang paglago ng ekonomiya sa bansa sa %.2% sa unang tatlong buwan ng taon. Hindi ito umabot sa target  ng mga namumuno sa iba’t-ibang departamento  na 7-8 porsyento na paglago. Ito ay dahil sa mababang ani, produksion ng mga pananim tulad ng palay at iba pang may mataas na halaga na mga produktong maaaring pang-eksport.  Ang produksyon ay isa lamang sa mga pinagbabasehan sa paglago ng ekonomiya. Paano na kaya kung palagi nalang ganito ang kalagayan ng ekonomiya? Kung ganito ang palaging resulta ng mababang produksyon at sa iba pang aspeto na pinagbabatayn sa paglago ng ekonomiya, may malaking posibilidad na ang ekonomiya ng bansa ay babagsak.