Sagot :
Ang San Jose del Monte ay isang papaunlad pa lamang na lungsod na matatagpuan sa pinakadulong timog silangan ng Bulacan. Itinatag ito noong 1752, panahon pa ng mga Kastila, bilang isang nagsasariling bayan na hiwalay sa bayang dating nakasasakop dito, ang Meycauayan. Mas matanda ito kung ikukumpara sa iba pang bayan ng Bulacan.
Ang San Jose del Monte rin ang maituturing na kauna-unahang lungsod ng lalawigan ng Bulacan nang maging lungsod ito noong 2001, una pa sa mga lungsod ng Malolos at Meycauayan. Ang pangalan ng lungsod ay isinunod sa patron ng bayan, si San Jose Ang Manggagawa. Idinugtong ang “del Monte” na siyang naglalarawan ng topograpiya ng lugar: kabundukan.
Ang panahon kung kailan naitatag ang bayan ay panahon din kung kailan lubusan nang napasailalaim ng mga Kastila ang Pilipinas at lubusan na ring naipakalat ang Kristiyanismo. Ayon kay Veneracion (1986), nakasabay ang San Jose sa trend noon ng pagpapangalan ng mga bayan sa Bulacan sa mga santo’t santa. Ilang mga halimbawang ibinigay niyang tumutugon sa trend na ito ay ang mga bayan ng Sta. Maria, San Isidro, Sta. Ysabel (sakop na ngayon ng Malolos), San Rafel, San Ildefonso at San Miguel.
Sinasabi mang dahil sa trend kung kaya patrong santo ng bayan ang ipinangalan sa lugar, may isang kuwentong naglalahad ng umano’y tunay na dahilan ng pagpapangalan ng San Jose sa lugar. Ito ay ang sumusunod na kuwento:
Noong panahon ng mga Kastila, ang tinatawag na San Jose del Monte sa ngayon ay isa lamang malawak na kagubatan. Ang lugar ay ginagawang kuhanan ng mga malalaking batong ginagamit sa paggawa ng mga simbahan sa Maynila at sa iba pang lugar. Marami rin nangunguha ng troso sa lugar dahil maraming magagandang uri ng punongkahoy ang dito’y matatagpuan.
Explanation:pa thnks nlng poat brainliest