Sagot :
Answer:
Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isang pandaigdigang labanán na nagsimula noong ika-1 ng Setyembre taóng 1939. Natapos ito noong ika-2 ng Setyembre 1945, at nasangkot ang karamihan ng mga bansa sa daigdig at bawat kontinente na may naninirahan. Tinuturing ito na pinakamalawak, pinakamahal at pinakamadugong labanán sa kasaysayan ng sangkatauhan. Maaalalang ang mga bansang lumahok sa digmaan ay nagbuhos ng napakaraming puwersang militar upang lupigin ang bawat kalaban. Isang linggo bago magsimula ang digmaan, ang kasunduang Molotov-Ribbentrop ay nilagdaan ng dalawang magkakalaban, ang Alemanyang Nazi at ang Unyong Sobyet at sumang-ayon sila sa dibisyon ng teritoryong nais sakupin sa Poland. Nagsimula lumusob ang hukbong Alemanya sa kanluran, hilaga, at timog ng Poland noong Setyembre 1, 1939 habang ang USSR ay nagsimulang lumusob sa bansa noong Setyembre 17 sa silangang bahagi ng Poland. Nang sumuko ang Poland, sila'y pinalipat sa Romania. Ang hukbong Nazi ay aktibo sa digmaan mula 1939 hanggang 1940 at halos nakontrol ang maraming bansa sa Europa. Pumasok ang Italya sa digmaan noong June 10, 1940 upang tulungan ang mga Alemanya. Ang mga bansang Pransiya, Belhika, Netherlands, Austria, Tsekoslobakya, Poland, Yugoslavia, Ukraine, Belarus, Lithuania, at kanlurang Rusya ay nakontrol ng Alemanya sa panahong iyon. Pumasok ang Asia sa digmaan noong Disyembre 7, 1941 nang binomba ng Japan ang Pearl Harbor sa Hawaii sa umaga. Nagbibigay-daan din ito sa pagpasok ng bansang United States sa digmaan. Habang nangyari an