Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng isang bansa?

Sagot :

Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng bansa?  

Dahil magiging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang institusyong pampinansiyal at magagamit ito upang makabuo ng mga patakarang magpapaangat sa ekonomiya ng bansa. Ito ay magiging repleksyon sa kahusayan ng namumuno at makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na pamamalakad ng ekonomiya

Kahalagahan ng Pagsukat ng Economic Performance

Ayon kay Campbell R. McConelle at Stanley Brue sa kanilang Economics Principles, Problems, and Policies (1999), ang kahalagahan ng pagsukat sa pambansang kita ay ang mga sumusunod:

1. Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay nakapagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng produksyon ng ekonomiya sa isang particular na taon at maipaliwanag kung bakit ganito kalaki o kababa ang produksyon ng bansa.

2. Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob ng isang taon masusubaybayan natin ang direksyon na tinatahak ng ating ekonomiya at malalaman kung may nagaganap na pag-unlad o pagbaba sa kanilang produksyon ng bansa.

3. Ang nakalap na impormasyon mula sa pambansang kita ang magiging gabay ng mga nagpaplano sa ekonomiya upang bumuo ng mga patakaran at polisiya na makapagpapabuti sa pamumuhay ng mga mamamayan at makapagpapataas sa economic performance ng bansa.

4. Kung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng pambansang kita, haka-haka lamang ang magiging basehan na walang matibay na batayan. Kung gayon, ang datos ay hindi kapani-paniwala.

5. Sa pamamagitan ng National Income Accounting, maaaring masukat ang kalusugan ng isang ekonomiya.

Bukod dito, kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tugkol sa paksang ito, narito ang iba pang link na maaari mong i-click:

Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng isang bansa?

https://brainly.ph/question/259352

Ano ang Economic Performance?

-Ito ay ang batayan kung nagagampanan ng pamahalaan at ng iba’t iabng sector ang kanila-kanilang Gawain at tungkulin.

Economic Indicators

  • Ginagamit ito sa pagsukat ng economic performance ng bansa.
  • Ito ang mga instrument upang ilahad ang anumang pag-unlad na narrating ng isang ekonomiya.
  • Dito nakapaloob ang katuturan ng pagtutuos ng GNP, Pambansang Kita, Per Capital Income, CPI, Implasyon, GDP at iba pa.

Ano ang GDP at GNP?

GDP- Gross National Product

-Tumutukoy sa mga produkto at serbisyo na ginagawa sa loob ng bansa maging ito ay produkto ng isang dayuhan.

GNP- Gross Domestic Product

-Sumusukat sa kabuuang produksyon na nagawa ng isang bansa na nagbubuhat sa loob at labas ng bansa.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa link na ito: Kahulugan ng economic performance: https://brainly.ph/question/492488