Answer:
Ang isa sa mga katangian ng pagkakaroon ng maingat na paghuhusga ay ang pagalam sa lahat ng detalye ng isang pangyayari. Tatanungin natin ang magkabilang panig ng kani-kanilang kwento upang maayos nating mahusgahan kung ano ang totoong nangyari. Sa ganitong paraan, maiiwasan o mawawala ang anumang bias o hindi pantay na paghuhusga na mayroon tayo.
Bukod dito, huwag tayong gumawa ng pagpapasya agad agad. Dapat timbangin natin ang mga resulta ng gagawing desisyon. Mabuti rin na humingi ng opinyon mula sa ibang tao, upang makita natin ang iba pang maaaring pagpapasya na gagawin natin. Mas lalawak din ang ating pang unawa sa pamamagitan nito.
Sumangguni sa mga sumusunod na links para sa karagdagang kaalaman tungkol sa maingat na paghuhusga:
#LetsStudy