Answer:
Ang akademikong pagsulat ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan.
Explanation:
Isa sa pinakamahahalagang output ng sinumang mag-aaral ang mga gawaing nauukol sa akademikong pagsulat. Ito ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng lipunan.
Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. Layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lamang.

Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat, ang akademikong pagsulat ay nangangailangan ng mas mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng sulatin. Mayroon itong isang paksa na may magkakaugnay na mensahe. Maayos na inihahanay ang mga pangungusap, talata, at seksiyon upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya at paliwanag ng mga ito. Ang karaniwang estruktura ng isang akademikong sulatin ay may simula na karaniwang nilalaman ng introduksiyon, gitna na nilalaman ng mga paliwanag, at wakas na nilalaman ng resolusyon, kongklusyon, at rekomendasyon. Ilan sa mga halimbawa ng akademikong teksto ang abstrak, bionote, talumpati, panukalang proyekto, replektibong sanaysay, sintesis, lakbay-sanaysay, synopsis, at iba pa.