Answer:
Pandemya'y lumaganap sa ating bayan
kailan ba tayo mag tutulungan
makabagbag damdamin sapagkat maraming nawalan ng trabaho
at ang mga kongreso'y hindi na magawang tumulong
Nasaan ang pag mamahal sa ating bayan
Nasaan ang pagkakaisa
Kung ang mga iba sa atin ay para ng basang sisiw
Anong magagawang kilos ng mga nakaupo sa trono upang sila'y tumulong sa ating mamayang Pilipino
Maraming nagmamakaawa
Tumayo naman kayo sa inyong trono
Huwag niyo ng hintayin pang may mamatay dahil sa kahirapan
Habang kayo ay nakaupo lamang at nanonood
Ngayo'y may pagsubok na hinaharap
Mga Pilipino'y nahihirapan
Dahil sa pandemya'y nagkakahawaan
Mga taong nawalan ng trabaho
At nahihirapan sa pandemyang ito
Kakayanin natin ang pagsubok na ito
Ito man ay mahirap, malalampasan din ito.
Tayo'y mag tiwala upang ito'y matamasa
Huwag kayong mawawalan ng pag-asa
Sapagkat problema natin ay masusolusyonan
Sa pandemyang ating kinakalabanan
Kailangan nating magtiis
At magsakripisyo
Para sa ating mga mahal sa buhay
At para din sa ating minamahal na bayan.