ang kahulugan makataong kilos ay Sa lahat ng bagay na gagawin natin, lagi natin timbangin kung ano ang tama at mali. Ang makataong kilos ay ang kusang paggawa ng bagay na alam mong tama. Ang pagkukusa ay isang paraan ng pagpapakita na bukas sa loob ang ginawang desisyon. Makatao ang kilos ng pagkukusa sapagkat sa paraan lamang na yun maipapakita na ang kilos ay ginawa dahil sa pagpapahalaga ng isang tao sa kapwa, hindi lang dahil sa awa.
Halimbawa:
Makataong Paggawa: Nag-alok ka ng scholarship sa isang bata sapagkat nais mo na makapagtapos sya.
Dahil sa Awa: Nag-bigay ka ng scholarship sa isang bata dahil humingi sya.