Question1 ano ang pang yayari sa kwentong si kalabaw at si kabayo. Si Kalabaw at si Kabayo

Mataas ang sikat ng araw. Ibig magpahinga ni Kalabaw. Masyado
siyang napagod sa pagtatrabaho sa bukid. Gutom na gutom siya. Uhaw na
uhaw. Ngunit nakalimutan siyang pakainin at painumin ng kaniyang
tagapag-alaga.
“Mukhang may sakit ka, kaibigang Kalabaw,” ang bati ni Kabayo.
“Wala, kaibigang Kabayo,” ang sagot ni Kalabaw. “Lubha lang akong
napagod. Madaling-araw pa kasi’y nag-aararo na ako ng bukid at ngayon

lamang ako natapos. Pagkatapos, iniwan na ako rito ng aking tagapag-
alaga. Ni hindi man lamang niya ako pinakain o pinainom.”

“Ano? Nagawa sa iyo ‘yon ng iyong amo?” ang nagtatakang tanong ni
Kabayo.
“Oo, kaibigang Kabayo. Kaya nga lungkot na lungkot ako,” ang
malungkot na tugon ni Kalabaw. “Pareho pala tayo ng kapalaran,” ang
nasambit ni Kabayo.
“Huwag mong sabihing hindi ka rin pinakain at pinainom man lang
ng tagapag-alaga mo,” ang mabilis na sabi ni Kalabaw. “Ganoon na nga,
kaibigang Kalabaw. Pareho tayo ng kapalaran,” ang sagot ni Kabayo. “Paano
nangyari ‘yon?” ang tanong ng kalabaw.
“Kahapon ay isinama akong muli ng amo ko sa bayan. Ipinagamit ako
sa mga taong sumasakay sa kalesa. Alam mo bang pagkasakit-sakit ng
katawan ko kahapon? Dahil ito sa damit at bigat ng kaniyang inilagay sa
kalesa. Halos sumayad na sa lupa ang aking mahabang dila sa matinding
hirap na dinanas ko. Lubog na ang araw nang umuwi kami ng aking amo.
Ngunit tulad mo, hindi rin ako pinakain o pinainom man lang. Narinig ko pa
nga ang sabi ng amo ko. Wala raw akong silbi kaya sa umaga na lang niya
ako pakakainin,” ang hinaing ni Kabayo. “Kaya heto, ngayon pa lang ako
kumakain.”
“Alam mo, kaibigang Kabayo, narinig ko mula sa aking tagapag-alaga
na ipapalit na raw sa akin ang bagong traktora na binabalak niyang bilhin.
Pag nakabili na ng traktora ang amo ko, paano na ako? Baka lalo niya
akong gutumin. O baka naman kaya hindi na niya ako pakainin,” ang
buntong hininga ni Kalabaw.
“Ako rin, kaibigang Kalabaw. Narinig kong sinabi ng amo ko na bibili
na siya ng pampasaherong dyip. Baka iyon na ang kaniyang gagamitin
papunta sa bayan,” ang himutok ni Kabayo.

13

Maya-maya ay natanaw ni Kalabaw ang dalawang lalaking papalapit
sa kanilang kinatatayuan. “Dumarating ang amo natin,” ang sabi ni
Kalabaw kay Kabayo. “At wala ring dalang pagkain para sa akin ang amo
ko.”
“Ano kaya ang kanilang sadya? Napakaaga pa para kami pumunta sa
bayan,” ang nasabi ni Kabayo.
“Totoo iyon, Pareng Floro,” ang bungad ng amo ni Kalabaw. “Darating
ang bago kong traktora. Kaya magiging magaan na ang pagtatrabaho ko sa
bukid.”
“Paano na ang kalabaw mo?” ang tanong ng amo ni Kabayo. “Matanda
na ito kaya pagpapahingahin ko na. Ito ang gagawin kong bantay ng aking
kubo sa gitna ng bukid,” ang sagot ng amo ni Kalabaw.
“Ako naman ay nakabili na ng pampasaherong dyip. Iyon na ang
gagamitin kong panghakot ng malalaking kahon, balde, at dram,” ang sabi
ng amo ni Kabayo.
“At ano naman ang binabalak mong gawin sa kabayo mo?” ang tanong
ng amo ni Kalabaw.
“Gagamitin na lang ito ng mga anak ko sa pamamasyal,” ang mabilis
na tugon ng amo ni Kabayo.
Nagkatinginan sina Kalabaw at Kabayo. At sila’y lihim na napangiti.