B. Ayusin ang mga salitang may salungguhit ayon sa antas ng damdaming ipinahahayag sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-4.

6.___Kawili- wiling tingnan ang magagandang tanawin sa plasa.
____Kasiya-siyang pagmasdan ang mga batang nagtatampisaw sa dagat. ____Kalugod-lugod ang kaniyang ginawa para sa mga matatanda.
___Kamangha-mangha ang kanyang talent sa pagsayaw.

7.____Nangangamba ako sa magiging epekto ng bagyo.
____Natakot si Karla na bumagsak ngayong semester.
____Nasisindak siya kapag nanonood ng horror movie.
____Nanghihilakbot ako sa tuwing naaalala ang aking panaginip kagabi,

8.___Ipinagdaramdam ko ang pagkatalo sa singing contest.
____Ipinaghihinakit niya ang sinabi ng kanyang kaibigan laban sa kanya.
____Ikinapopoot niya ang masamang balita na patungkol sa kanyang pamilya. ____Ipinagtatampo niya ang pagkawala ng kanyang alagang aso.

9.____Nalipol ng mga peste ang pananim na palay ng mga magsasaka.
____Naubos ang kanyang tindang biko dahil nagustuhan ito ng mga tao.
____Nawala ang kanyang wallet kanina sa palengke
____Nasaid ang lamang tubig sa baso dahil sa matinding uhaw.

10.____Nalilito ako sa kanilang dalawa ____Naguguluhan ako sa mga baryayari. ____Natataranta ako dahil may nang dumating ang mga bisita.
____Nagugulumihanan ang bata kung sino sa kambal ang kanyang ina.​