Ang kuwentong-bayan o folklore ay ang mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kuwentong-bayan ng isang tiyak na look o rehiyon sa isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito.