Sagot :
Answer:
Oo dahil Maraming naidulot na pagbabago ang mga mananakop na Espanyol. Napadali ang ating pamamahala at mas mabilis napalaganap ang Kristiyanismo. Ang mga Kastila ang nagpakilala ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas gaya ng sa Europa. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Relihiyon-nang dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, karamihan sa mga sinaunang Pilipino ay mga pagano. Sila ay naniniwala sa mga anito, at kadalasang sumasamba sa mga puno, at sa araw. Ngunit nang dumating ang mga Kastila ay ipinakilala ang Kristiyanismo sa bansa, ang pangunahing relihiyon ng mga kolonyal na bansa. Dahil dito nagkaroon ng pagbabago sa paniniwala, pamumuhay, at kultura ang mga Pilipino.
2. Edukasyon - maari nating sabihin na bago dumating ang mga Kastila ay walang structured na edukasyon ang mga sinaunang Pilipino. Karamihan ay naka-depende sa pagtuturo ng kanilang mga magulang o mga naktatanda. Ang pagdating ng mga mananakop ay nagdulot ng rebolusyon sa edukasyon ng bansa. Dahil dito, nagtayo na ng mga imprastraktura na nagsasanay sa mga kabataan (karaniwang mga mayayaman at may dugong Kastila) sa pag-aaral.
3. Wika at diskurso - malaki din ang naging impluwensya ng mga Kastila sa wika at diskurso ng mga Pilipino. At mapapansin pa rin ang mga impluwensyang ito sa kasalukuyan: halimbawa:
Ang kumusta ay hango sa Español na Como Esta na may parehong kahulugan. Ang salitang mano ay hango sa parehong salitang kastila na mano, na nangangahulugang kamay