tula tungkol sa mga impormal na salita​

Sagot :

Answer:

sining , melody

pwide napo ba yan?

Answer:

Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na Komunikasyon

Nagagamit sa iba't ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga)

Impormal na Salita:

•Lalawiganin (Provincialism)

• Balbal (Slang)

•Kolokyal (Colloquial)

•Banyaga

Mga Tula Tungkol sa Wika

•Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng •Pagka-Filipino

•Ang Teknolohiya at Ang Wika

•Ako’y Wika

•Wikang Filipino

•Laging Pana-Panahon

•Wikang Pambansa, Wikang Panlahat

•Ang Wikang Pilipino

•Pilipinong Banyaga sa Wikang Filipino

•Iniibig Ko Ang Wikang Filipino

FILIPINO: Wika ng Pagkakaisa

Explanation:

Wikang Filipino

Wikang Filipino ang aking pangalan,

Ipinanganak ko itong kalayaan,

Ako ang ina at siyang dahilan,

Ng pagkakaisa at ng kasarinlan!

Sapagkat ako nga ang siyang tumanglaw

Sa bansang tahanang iyong tinatanaw,

Katulad ng inang sa iyo ay ilaw,

Nagbibigay-sigla’t buting sumasaklaw!

Ako rin ang ama at naging haligi,

Ng mga sundalo at mga bayani,

Sa digmaan noon sa araw at gabi,

Ako ang sandatang nagtaas ng puri!

Pagkat akong wika ang lakas mo’t tuwa

Ako’y lakas nitong bisig mo at diwa

Sa pamamagitan ng aking salita,

Ligtas ka sa uring luksong masasama!

Sinalita ako at gamit ng lahat,

Upang mga taksil ay maisiwalat,

Sa Luzon, Visayas, sa lahat ng s’yudad,

Pati sa Mindanao, ako ay nangusap!

At nakamit mo na ang hangad na laya,

Mula sa dayuhang sakim at masama,

Dilim na sumakop sa bayan at bansa,

Dagling lumiwanag, pintig ay huminga!

Wikang Filipino, ginto mo at hiyas,

Panlahat na wika saan man bumagtas,

Ilaw na maalab, sa dilim ay lunas

At lakas patungo sa tuwid na landas!