Parehong may pagkakaiba at pagkakatulad sa kultura ang Singapore at India. Magkaiba ang India at Singapore sa pananamit. Ang mga damit sa India ay kilala sa makukulay na padron at disenyo na kanilang tradisyonal na kasuotan. Samantala ang kasuotan sa Singapore ay karaniwan naimpluwensiyahan ng mga taga-kanluran dahil sa isa ito sa mga bansa na sinakop ng Inglatera bago naging ganap na malaya ang Singapore.
May pagkakatulad naman sa wikang tamil at relihiyong hinduismo ang Singapore at India dahil 9.2% ng mamamayan sa Singapore ay mga Indiyano.