Answer:
PAGSULAT NG BALANGKAS
Katangian ng Balangkas 1) Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mas mapag-iisipan mong mabuti kung paano mo sisimulan o tatapusin ang iyong sanaysay.2) Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mapipili mo ang mga ideya o konsepto na nais mong isama sa sanaysay. Dapat lahat ng ito ay magkakaugnay.
3) Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, mas magiging madali sa iyong ayusin ang mga ideya sa iyong sanaysay. Mapipili mo kung ano ang mga ideyang nais mong ilagay sa panimula, katawan at katapusan ng iyong sanaysay.4) Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, maiiwasan mong mawala sa pokus habang nagsusulat ng sanaysay dahil para itong mindmap. Gagabayan ka nito para maisulat ng malinaw ang iyong mga ideya.
5) Kapag ikaw ay gumawa ng balangkas, maiiwasan mong maging paulit-ulit ang mga ideya sa iyong sanaysay, dahil sa simula pa lang ay nakaplano na kung ano ang mga ideyang isasama mo at hindi.