Ang halimbawa sa ugnayan ng demand at supply bilang pagtugon sa pangangailangan at kagustuhan ay ang ekilibriyo o equilibrium sa pamilihan na kung saan ang mamimili at nagtitinda ay nagkakasundo sa isang takdang presyo at dami ng produkto.
Mayroon namang pagbabago sa ekilibriyo dahil sa mga sumusunod na sitwasyon:
-Kapag may pagtaas sa kita o pagbabago sa panlasa o kagustuhan ng tao, tumataas ang demand samantala walang pagbabago sa supply dahil dito, tumataas ang ekilibriyong dami at presyo.
-Kapag bumaba ang gastusin sa produksiyon o may kalamidad, nagbabago ang supply samantala walang pagbabago sa demand.