Ano ano ang nga uri ng tayutay?

Sagot :

Mga Uri ng Tayutay

1. Pagtutulad (simile)
Ito ay isang payak at lantad na paghahambing at karaniwang ginagamitan ng mga salita’t pariralang: katulad ng, tulad ng, para ng, anaki’y, kawangis ng, gaya ng, kasing-, sing-, ga-, atbp.

Halimbawa:
Ang tao ay kawangis ng Diyos.

2. Pagwawangis (Metaphor)
Ito ay isang tuwirang paghahambing na di gumagamit ng mga salitang katulad ng at iba pa, ngunit nagpapahayag ng hambingan sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian, o gawain ng isang bagay na inihahambing.

Halimbawa:
Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.



3. Pagtatao (Personification)
Ito ay tinatawag ding pagbibigay katauhan at personipikasyon. Pahayag ito na ang mga katangian, gawi at talinong sadyang angkin lamang ng tao ay isinasalin sa mga karaniwang bagay. Nagagawa ang pagsasalin sa paggamit ng pandiwa o pangngalan.

Halimbawa:
Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.

4. Pagmamalabis (Eksaherasyon) (Hyperbole)
Ito ay isang pagpapahayag na lampas sa mahinahong larawan ng katotohanan sa hangaring magbigay-diin sa katotohanang pinagmamalabisan.

Halimbawa:
Umulan ng pera sa pagtama ko sa lotto.



5. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)
Ito ay ang pagbanggit sa bahagi bilang katapay ng kabuuan, o ng kabuuan bilang katapat ng bahagi.

Halimbawa:
Ang panahong ito ng Hunyo ay maulan.



6. Panghihimig o Onomatopeya
Ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.

Halimbawa:
Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.



7. Panawagan (Apostrophe)
Ginagawa rito ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa Isang buhay na tao o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman.

Halimbawa:
Diyos Ama, ituro nyo po sa amin ang tamang daan.


8. Pag-uyam (sarcasm)
Mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam.

Halimbawa:
Ubod siya ng gara kung lumalabas! Napaka dumi naman ng bahay.

9. Paglilipat-wika o Transferred Epithet
Tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.

Halimbawa:
Patay tayo diyan.

10. Pagpapalit-tawag (Metonymy)
Isang pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng mga bagay na magkakaugnay.

Halimbawa:
Ang anghel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol.