Answer:
Ang gender roles ng mga babae at lalaki noong panahon ng mga Espanyol ay magkaiba. Ito ay naimpluwensiyahan ng pamamahala ng mga Kastila sa Pilipinas. Ano nga ba ang gender roles sa Pilipinas sa panahon ng Espanyol? Narito ang ilang detalye tungkol sa gender roles sa panahon ng mga Espanyol.
Ang katayuan ng mga kababaihan noong panahon ng Espanyol ay pang-tahanan lamang. Sila ay inaasahan na manatili sa tahanan o paaralan lamang upang matutunan nila kung paano asikasuhin nang husto ang tahanan. Ang modelo para sa kababaihan noon ay si Maria Clara - mahinhin, mayumi, matiwasay kumilos.
Sa kabilang banda, ang mga kalalakihan naman noon ay obligadong sumali sa polo y servicio. Iyon ang kanilang silbi noong nandito pa ang mga Kastila. Ang mga kasali sa polo y servicio ay gumagawa ng mga tulay, daan, gusali at iba pa. Bukod doon, ang mga kalalakihang Pilipino rin ang nanguna sa pagtataguyod ng pakikipaglaban upang makamit ng Pilipinas ang kasarinlan nito.
Iyan ang gender roles sa panahon ng Espanyol.