Sagot :
Answer:
Bukod sa mga anak, ang mga magulang ang isa sa pinakamahalagang bahagi na bumubuo sa pamilya. Kung walang mga magulang ay walang kakalinga sa mga anak at magtuturo ng kagandahang asal. Bagamat ang bawat magulang ay may kanya-kanyang katangian, nararapat lamang na sila ay pahalagahan at pasalamatan. Ang simpleng pagsasabi ng “Salamat, Nanay at Tatay, mahal ko po kayo” o kaya naman ay ang pagyakap o paghalik sa kanila ay napakasarap sa pakiramdam ng isang magulang.
Maaari mo ring idaan sa pagsulat o kaya naman ay sa tula ang iyong pasasalamat sa kanila.
Explanation:
Para sa aking Mahal na Magulang
Ang buhay kong ito’y sa inyo nagmula
Pangalawa sa Diyos na s’yang lumikha
Utang ko sa inyo ang aking hininga
Minahal, hinubog ng inyong kalinga.
Mga sakripisyo’y sadyang hindi biro
Mula ng ako’y iniluwal sa mundo
Pag-ibig na iniukol sa ‘ki’y totoo
Pagmamahal ninyo’y nagsilbing lakas ko.
Ako’y tinuruan ng magandang asal
Sa gitna ng hirap ako’y pinag-aral
Upang ‘di mapariwara ang aking buhay
Diplomang natanggap sa inyo ini-alay.
Ngayon ang buhay ko ay sadyang kay-palad
Pangarap ko’y unti-unting natutupad
Ito’y bunga ng ‘nyong dakilang paglingap
Sa ‘king puso’y walang hanggang pasalamat.
•ANSWER•
Mga Halimbawa ng Talumpati Tungkol sa Pangarap
•Ating Abutin Ang Ating Pangarap
•Pangarap
•Talumpati Tungkol Sa Pangarap
•Pangarap ng Isang Simpleng Tao
•Talumpati Tungkol sa Pangarap
•Pangarap na Makapagtapos sa Pag-aaral