Piliin ang wastong paglalarawan sa mga sumusunod na pahayag tungkol sa tugon ng mga katutubo sa kolonyalismo. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

1. Ano ang naging bunga ng pagkakaroon ng edukasyon ng mga kabataan noong panahon ng kolonyalismo?
A. Ginamit nila ito upang makilala sa lipunan.
B. Naging mulat sila at naghangad ng pagbabago.
C. Napabilang sila sa mga pinuno ng pamahalaan.
D. Nanatili silang tahimik sa nagaganap sa bansa.

2. May mga Pilipino na likas na makasarili upang makuha ang pansariling kagustuhan.
A. Nagtago sila sa mga Espanyol upang malibre sa mga patakarang Espanyol. B. Nagbayad sila ng mga kapwa Pilipino upang sila ang gumawa ng mga gawaing nakatakda sa kanila.
C. Nakipagsabwatan sila sa mga Espanyol para malibre sa mga patakaran.
D. Naging tapat sila sa kapwa Pilipino.

3. Si Jose Rizal ay naglayon na mamulat ang mga katutubo sa malupit na pamamahala ng mga Espanyol. A. Nagtatag siya ng pangkat na magmamanman sa mga sundalong Espanyol.
B. Naghikayat at namuno siya sa pagsasagawa ng mga lihim na pag-aalsa. C. Sinulat niya ang librong Noli Me Tangere at El Filibusterismo upang tuligsaln ang dayuhan.
D. Nagpagawa siya ng maraming sandata upang ipamigay sa mga katutubo.​