Gawain: Ayusin Mo Sagot Mo! Panuto: Ayusin ang mga pinaghalong titik upang mabuo ang tamang SALITA hinggil sa mga uri ng birtud na inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang. 1. Ito ang pinakapangunahing birtud na nakapagpapaunlad ng isip. GAP - AWUNA 2. Ito ay sistematikong kalipunan ng mga tiyak at tunay na kaalaman na bunga ng pagsasaliksik at pagpapatunay. MAHAG 3. Ang gawi na ito ay ang pagtingin sa lahat ng panig upang makakalap ng datos bago magpasya. Ito ang itinuturing na ina ng mga birtud sapagkat ang pagsasabuhay ng ibang birtud ay dumaraan sa birtud na ito. Ang birtud na ito ay parehong intelektuwal at moral. AMTAGIN AN GAPHUHUGAS 4. May kinalaman sa pag-uugali ng tao. Ito ay mga gawi na nagpapabuti sa tao. OMLAR AN TURBID 5. Ito ang pinakawagas na uri ng kaalaman. KANUNGRUAN 6. Ito ang nagtuturo sa atin na lumikha sa tamang pamamaraan. NISGIN 7. Ito ay isang birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang nararapat lamang para sa kanya, sinuman o anuman ang kaniyang katayuan sa buhay. TAKANGANRU 8. Kinakailangan ang pagpipigil o pagkontrol sa sarili na maiwasan ang tukso o masamang gawain. GAPTITIPIM 9. May kinalaman sa isip ng tao na tinatawag ding gawi ng kaalaman. NITEKELWALTU AN TURBD 10. Ito ang birtud na nagpapatibay o nagpapatatag sa tao na harapin ang anumang pagsubo at panganib. TATAKANAG​