4.Nakahiligan na ni Maricel ang tumulong at magmalasakit sa kapwa. Kaya naman siya ay nagboluntaryong tumulong sa kanilang barangay. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman na maraming nawalan ng trabaho/hanapbuhay mula nang nagkaroon ng pandemya. Nais tumulong ni Maricel sa abot ng kaniyang makakaya. Ang mga sumusunod ay mga paraan na maaring gawin ni Maricel upang makatulong sa mga nawalan ng trabaho/hanapbuhay maliban sa:
A. Magsagawa ng proyektong “pantry sa barangay” bilang pagtugon sa mga pamilyang kapos sa pang araw-araw na pangangailangan.
B. Maglunsad ng fund raising program at mamahagi ng mga relief goods mula sa perang malilikom mula rito.
C. Mangolekta ng kontribusyon sa may kakayahan at bawasan muna ito sa kanilang parte bago ibahagi sa tao sa kanilang komunidad.
D. Magbahagi ng kaalaman sa kanilang barangay tungkol sa bakuna kontra Covid-19 upang maalis ang kanilang alinlangan na magpabakuna

(Magbigay ng paliwanag sa iyong sagot.)​​