12. May bago kang kaklase galing sa malayong probinsiya. Nalaman mong pinipintasan ito ng mga kaklase mo. Ano ang sasabihin mo sa kanila? A. Pagsasabihan ko ang aking mga kaklase na huwag siyang pintasan. B. Gagayahin ko rin ang aking mga kaklase. C. Hindi ko sila papansinin. D. Wala akong pakialam. 13. Pinuna ka ng iyong guro dahil nakikipagdaldalan ka sa iyong kaklase. Paano mo ito tatanggapin? A. Hihingi ako ng sorry sa aking guro. B. Ipagpatuloy ko pa rin ang aking ginagawa, C. Sisimangutan ko ang aking guro. D. Hindi ko siya papansinin. 14. Madalas kang kumanta sapagkat hilig mo rin ito. Sinigawan ka ng inyong kapitbahay. Hindi raw maganda ang boses mo. Ano ang iyong gagawin? A. Hindi ko sila papansinin, B. Mas lalo kong pagbubutihin ang aking pagkanta, C. Aawayin ko sila. D. Wala akong pakialam. 15. Binabatikos ka dahil sa isang pagkakamaling nagawa mo. Paano mo haharapin ang mga pumupuna sa iyo? A. Kakausapin ko siya nang mahinahon at humingi ng sorry sa pagkakamaling nagawa B. Hahamunin ko siya ng away. C. Babatikusin ko rin siya. D. Hindi ko na lang siya papansinin.