Isa sa mga halamang ornamental na mahirap palaguin ay ang halamang rosas sapagkat ito ay nangangailangan ng sapat na panahon para maalagaan ito kagaya ng tamang pagdidilig, tamang sikat ng araw, at wastong pag-aabuno nito. Ang mga bagay na nabanggit ay kinakailangang gawin upang lumago ang halaman at magkaroon ito ng magagandang bulaklak.