Mamamalas sa kuwentong Maaring Lumipad ang Tao ang kaisipan o konsepto ng pag-asa na makakawala ang mga kasalukuyang naghihirap sa kamay ng pagdurusa sa kontinente ng Aprika.
Nagpapakita rin ito na ang mga taga-gabay o ang mga indibidwal na magsasalba sa mga naghihikaos ay kasama lamang nila sa kanilang piling at hinihintay lamang silang maging isa muli.