Ang Florante at Laura ay halimbawa ng awit. Ang awit ay isang patula na nagsasaad ng kabayanihan at at nagsasalaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ngunit ang mga tauhan ay walang sangkap na kababalaghan.
Samantala, ang Ibong Adarna naman ay halimbawa ng korido. Ang korido ay isang tulang panrelihiyon nagsasalaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ng isang tauhang malabayani na punung-puno ng kababalaghan.
Mabagal ang pagbigkas ng awit habang ang korido ay mabilis ang pagbigkas.