Ang Kataas-taasang, Kagalang-galangang, Katipunan ng mga Anak ng Bayan o Katipunan (KKK) ay isang sikretong, rebolusyonaryong grupo na binuo upang marahas na pabagsakin ang kolonyalistang Espanyol sa Pilipinas. Ang KKK ay pinamunuan nina Andres Bonifacio, Ladislao Diwa, Deodato Arellano, Valentino Diaz at Teodoro Plata.