Ang kauna-unahang suliranin ng tauhan ay ang kanyang lihim na kung siya ay tatamaan ng karayom, siya ay mamamatay. Kasunod nito ang pagdakip sa kanya ng hari at ikinadena siya. Nais ng hari na mawala siya, ngunit nang makahanap si Liongo ng paraan upang makatakas, gumawa din ng plano ang hari upang dakpin siyang muli.