Pabalat - ito ang takip ng aklat. Karaniwan itong may matingkad na larawan upang makatawag pansin sa mambabasa.
Pahina ng Pamagat - nakasaad dito ang pamagat ng aklat at pangalan ng may-akda nito.
Pahina ng Karapatang-ari - makikita sa bahaging ito kung sino ang nagpalimbag ng aklat at kung kailan ito ipinalimbag.
Paunang Salita - nakasaad dito ang dahilan kung bakit isinulat ng may-akda ang aklat kasama ang paliwanag sa paggamit nito.
Talaan ng Nilalaman - makikita rito ang pahina ng bawat paksang tinatalakay sa aklat.
Katawan ng Aklat - makikita rito ang mga paksa at araling nilalaman ng aklat.
Glosari - nakatala rito ang mga kahulugan ng mahihirap na mga salitang ginamit sa aklat.
Bibliograpi - nakatala rito ang pangalan ng manunulat at aklat na pinagkunan ng may-akda ng ilang mahahalagang impormasyon.
Indeks - nakasulat dito ang pangalan, mga paksa na nakaayos nang paalpabeto, at ang pahina kung saan ito matatagpuan sa aklat.