Ang dagli ay isang uri ng panitikan na maituturing na maikling-maikling
kwento. Sinasabing lumaganap ito sa unang dekada sa panahon ng pananakop ng
Amerikano, gayunpaman, walang makapagsasabi sa pinagmulan nito sa Pilipinas.
Ang dagli ay pabago-bago ng anyo sapagkat wala itong tiyak na haba ngunit,
upang matawag itong dagli, kailangang hindi ito aabot sa haba tulad ng isang maikling kwento.