Ah this is what I think pero sana makatulong:
1. Sipag. Ako aminado ako sa sarili ko tamad ako kasi lagi ko pinapabukas yung mga gawain
Pero kahit syempre gagawin ko pa rin yun, kelangan kasi eh. Para hindi ka na din kulitin ng teacher mo magpasa ng kung anu-ano. Kasi pag masipag ka gumawa ng mga gawain katulad assignment, project, at output makakasigurado ka na may grade ka na.
2. Handa. Kung masipag ka magsulat, kapag nagdidiscuss na yung teacher mo, isulat mo yung pinakaimportante para pag nag quiz kayo handa ka. Pero kung tinatamad ka, basta makinig ka ng maagi magiging madali na lang
Tsaka pag may pinapadala na gamit magdala ka para hindi ka na mahirap. Oo, alam ko nakakatamad magdala dahil mabigat pero hindi nmn pwede na habambuhay ka nakaasa sa katabi
3. Mag review kapag may test o kahit quiz pa yan.
4. Mag participate sa klase like recitation o reporting. Ako hindi ako pala recite pero nagrerecite lang ako kapag critical yung tanong. Yung walang tumataas ng kamay at ang tahimik tapos ako lang yung nakakaalam. Doon na ako sumasagot. Alam mo ba kung bakit? Dahil mas mabilis ka maalala ng teacher mo pag ganun ka.
Ah marami pa pero sana makatulong sayo yan.