Ang mga itinuturing na kabilang sa pangkat ng Bourgeoisie o ang panggitnang uri ng lipunan ay ang mga manunulat, doktor, abugado, mga may-ari ng bangko, mga mangangalakal at iba pang mga mayayaman at edukadong propesyunal. Ang mga taong ito nabigyan ng posisyon sa pamahalaan dahil sa kanilang kahusayan sa pkikipagtransaksyon at galing sa larangan ng negosyo at sa mundo ng ekonomiya.